Lamig ng gabi tuluyang bumalot sa akin,
Kasabay ng pagsilip ng buwan ay ang dampi ng hangin.
Na tila ba’y nalulunod sa mga tanong na naghahanap ng kasagutan,
Kung kailan mararamdaman ang tunay na kasiyahan.
Kailan kaya ang tamang oras sa akin ay dumating,
Ang kasiyahan na dati ko pang hinihiling.
Ngunit tila ba’y pinagkakait ng panahon,
Na baka sakaling sa huli’y ang pangarap maitapon.
Sa patuloy kong pagbilang ng mga araw na daraan,
Akin ding hinaharap ay siyang paghahandaan.
Ilang bagyo man at pagsubok ang aking haharapin.
Lahat ng ito ay aking patuloy na titiisin.
Dahil ako’y naniniwala na darating din ang tamang panhon,
Sa lugar na aking kinatatyuan ay ako’y aahon.
Saksi ang buwan sa mga pagsubok na aking lalagpasan,
Patungo sa pangarap na aking pilit na makakamtan.
Mahabang panahon man ang aking kailangan gugulin,
Paulit ulit mang bumagsak hindi pagbitaw aking pipiliin.
Marami mang tao ang sa aking kakayahan di maniwala,
Aking sandigan ay ang matibay na pananampalataya.
Dadarating din ako sa lugar na aking pinapangarap,
Siya ang magiging sandigan sa kabila ng hirap.
Aking isasantabi ang lahat ng pag alalinlangan,
Pupunuin ng saya ang bawat araw sa kasalukuyan.
Sa lugar na ito kung saan nabuo ang aking mga pangarap,
Unti unti kong paghahandaan ang mga pagsubok ng hinaharap.
Buong puso kong ibibigay ang lahat ng aking makakaya,
Lahat ay gagawin para sa aking pangarap na dakila.
Ang buwan na siyang ilaw sa madilim na gabing ito,
Ang siyang magiging simula na lahat ng aking mga plano.
Ang pighati na naramdaman sa bawat oras na nagdaan,
Ay sa tamang panahon ay lahat mapapalitan ng kasiyahan.


Get new blogs delivered straight to your inbox.
[jetpack_subscription_form show_subscribers_total=”false” button_on_newline=”false” custom_background_button_color=”#ff9b8b” custom_font_size=”16px” custom_border_radius=”0″ custom_border_weight=”1″ custom_padding=”15″ custom_spacing=”10″ submit_button_classes=”has-text-color has-white-color” email_field_classes=”” show_only_email_and_button=”true”]
