Hiling 

Napakadaming rason para ako’y bumigay,

Dito sa mundo na di mo alam kung saan ka mailalagay.

Sa maliwanag na parte ba na puno ng saya?

O sa madilim na lugar na kung saan wala kang kawala?

Ilang beses na din ako na nawalan ng pag-asa,

Sa sobrang dami ng pagsubok na nagsasabing bumitaw na.

Na lahat ay imposible kahit anong subok na gawin,

Sa pag abot ng pangarap na hindi para sa akin.

Sa bawat sugat buhat ng aking pagdapa,

Ramdam ang sakit ng bawat agos ng luha.

Na tila ba’y napakadaling abutin ang inaasam na panalangin,

At tuluyang masabi na “sa wakas nakuha ko din ang para sa akin”.

Sa karera ng buhay na mayroong mag wawagi at may uuwi.

Aking pipiliin manalo kahit ano man ang mangyari.

Mga pangarap ko na sabi nila’y di makatotohanan,

Napakalayo man akin itong unti unting paghahandaan.

Hindi ako sususko sa kahit anong hamon ng buhay,

Ngiti ang aking magiging sukli sa mga sugat ng aking mga kamay.

Ang bawat marka na magsisilbing gabay para ako’y di bumitaw,

Saan man magpunta buong ipagmamalaki at isisigaw.

Pupunuin ng saya ang bawat araw na magdadaan,

Kasabay ng paghakbang tungo sa inaasam na Kalayaan.

Lakas ang aking magiging baon sa ano mang hamon sa hinaharap,

At lahat ng ito ay para sa aking dakilang pangarap.

O kay gandang isipin na lahat tayo’y binigyan ng pagkakataon,

Na makamit ang kahit na anong pangarap na ating iniisip noon.

Na lahat tayo ay binigyan ng oras para ito ay unit unting makamit.

At masabi sa ating sarili na “sulit and bawat sakit”.

Nasa simula man ako ngayon at malayo pa ang aking pupunuing panahon,

Paulit ulit man akong bumagsak patuloy akong aahon.

Buong puso kong haharapin ang mga pagsubok na darating,

Para sa pagkamit ng aking mga hiling.


Get new blogs delivered straight to your inbox.

[jetpack_subscription_form show_subscribers_total=”false” button_on_newline=”false” custom_background_button_color=”#ff9b8b” custom_font_size=”16px” custom_border_radius=”0″ custom_border_weight=”1″ custom_padding=”15″ custom_spacing=”10″ submit_button_classes=”has-text-color has-white-color” email_field_classes=”” show_only_email_and_button=”true”]

ON THE BLOG


Share this Page

© 2025 Livingherownlife by Lea Pearl, All Rights Reserved