Kailan 

Kailan kaya yung tamang panahon na di na ako takot?
Yung oras na handa akong tanggapin ang saya o lungkot.
Na nadarama ng isang tunay na pag-ibig na buhat sa dalawang tao,
Na biglang nagkatagpo sa kabila ng bilyong bilyong tao sa mundo.

Di pa ba sapat ang halos dalawang dekadang paghihintay?
Sa taong magpapatibok sa puso kong matagal ng nakahimlay.
Paulit ulit na nga lang ba ang mali ang pinipili?
Paulit ulit na nga lang bang luha at pighati?

Sa pag ikot ng mundo at pagpapatuloy ng oras,
Ang tanging nasa isip ay kung paano makatakas.
Sa aking sariling pilit na kinukulong ang damdamin,
Dahil sa takot na baka di kayang mahalin.

Dahil naiiba sa karamihan na hangad ay pangkasalukuyang kaligayahan,
Natuto siyang tumayo sa kanyang sarili at mag isang lumaban.
Dala ang kanyang panulat at papel na lulan ng kanyang alala.
Pinaniwalaan niyang kaya niyang mag-isa sa kabila ng pangungulila.

Share this Page

© 2025 Livingherownlife by Lea Pearl, All Rights Reserved