Lamig ng gabi, tuluyang bumalot sa akin,
Kasabay ng pagsilip ng buwan, ang dampi ng hangin.
Tila ba nalulunod sa mga tanong na naghahanap ng kasagutan,
Kung kailan mararamdaman ang tunay na kasiyahan.
Kailan kaya ang tamang oras ay dumating sa akin,
Ang kasiyahan na matagal ko nang hinihiling.
Ngunit tila ba’y pinagkakait ng panahon,
Na baka sa huli, ang pangarap ay maitapon.
Sa patuloy kong pagbilang ng mga araw na daraan,
Hinaharap ko ito, paghahanda’y patuloy na isasagawa.
Ilang bagyo man at pagsubok ang haharapin,
Lahat ng ito, tiisin ko’t hindi bibitawan.
Dahil naniniwala ako na darating din ang tamang panahon,
At sa lugar na aking kinalalagyan, ako’y aahon.
Saksi ang buwan sa mga pagsubok na malalagpasan,
Patungo sa pangarap na pilit ko’y makakamtan.
Mahabang panahon man ang aking kailangan gugulin,
Paulit-ulit mang bumagsak, hindi pagbitaw aking pipiliin.
Marami mang tao ang di naniniwala sa aking kakayahan,
Aking sandigan ay ang matibay na pananampalataya.
Dadarating din ako sa lugar na aking pinapangarap,
Siya ang magiging sandigan, kahit sa hirap.
Isasantabi ang lahat ng pag-aalinlangan,
At pupunuin ng saya ang bawat araw sa kasalukuyan.
Sa lugar na ito kung saan nabuo ang aking mga pangarap,
Unti-unti kong paghahandaan ang mga pagsubok ng hinaharap.
Buong puso kong ibibigay ang lahat ng aking makakaya,
Lahat ay gagawin para sa pangarap na dakila.
Ang buwan na siyang ilaw sa madilim na gabing ito,
Ang magiging simula ng lahat ng aking plano.
Ang pighati na naramdaman sa bawat oras na nagdaan,
Sa tamang panahon, lahat ay mapapalitan ng kasiyahan.