Sa Tamang Panahon 

Sa pagtila ng ulan ramdam ang lamig na bumalot,

Sa lugar na puro dilim at puno ng takot.

Takot na baka ang pangarap ay kusang maglaho,

At tuluyang makalimutan ang dating mga pangako.

Mula sa isang maliit na lugar nagsimula ang mga pangarap,

Na sana balang araw lahat ng saya ay siya ding matanggap.

Gamit ang mga kamay isinulat ang bawat hiling,

Kasabay ng dasal na sana’y ang oras na iyon ay dumating.

Buong tapang hinarap ang bawat nagdaang delubyo,

Kasabay ng kabikabilaang mga sakripisyo.

Tulo ng luha ay saksi sa bawat sakit na nalagpasan,

Patungo sa munting hiling na kasaganahan.

Paulit ulit man malunod sa kabiguan,

Paulit ulit man masaktan ng dahil sa kahirapan.

Hindi ito magiging hadlang sap pag abot ng pangarap.

Dahil handa ang puso’t isipan sa ano mang dala ng hinaharap.

Darating din ang panahon na ang saya’y makakamit,

Malilimutan ang bawat lungkot at naranasang sakit.

Matututunang tumayo at hindi sumuko,

Sa hamon ng buhay parating pipiliing maging buo.

Dasal ang magiging gabay sa bawat pipiliing desisyon,

Laging iisipin na ang lahat ng bagay ay may solusyon.

Kasabay ng pagabot ng pangarap ay pagbigay ng pag-asa,

Sa iba na ninanais ding pangarap nila’y  sana’y makita.

Kahit tila malabo ang mga bagay na minimithi,

Kahit walang maniwala at sa huli’y walang kumampi.

Di hahayaang mawalan ng pag asa sa pagpatuloy ng buhay,

Di hahayaang lahat ng sakripisyo ay mawalan ng saysay.

Sa pag bati ng gabi ay may araw na darating,

Ang munting pangarap ay unti unting mararating.

Darating ang araw at aalalahanin ang mga hiling ng dating kahapon,

Sa paniniwalang makakamit din ang lahat ng pangarap sa tamang panahon.


Get new blogs delivered straight to your inbox.

[jetpack_subscription_form show_subscribers_total=”false” button_on_newline=”false” custom_background_button_color=”#ff9b8b” custom_font_size=”16px” custom_border_radius=”0″ custom_border_weight=”1″ custom_padding=”15″ custom_spacing=”10″ submit_button_classes=”has-text-color has-white-color” email_field_classes=”” show_only_email_and_button=”true”]


Share this Page

About Me

Hi, I am Lea Pearl

Working employee wherein blogging became my side hobby.
Creator of Living Her Own Life which aims to touch people’s heart and inspire them to achieve their own goals in life.
Writing has been my passion for almost 15 years. Last 2020, I made my very own website where I can share all of my thoughts and stories in life.

On the Blog